Ayon kay Kapuso actress at "Bubble Gang" babe Arra San Agustin, may isang pagkakataon na hinuli siya ng traffic enforcer, at hindi sinasadyang ginamit niya ang kaniyang pagiging "best actress" para magpaliwanag.

Sa programang Mars nitong Biyernes, ikinuwento ni Arra na hindi naka-on noon ang kaniyang headlights.

"'Kuya hindi ko naman po talaga alam!' tapos parang pa-iyak na ako," sabi ng aktres.

Hinuli naman kaya siya ng enforcer? Alamin sa video.

Samantala, ikinuwento rin ni Arra na puwede na siyang bigyan ng "loyalty award" nang ipagtanggol niya noon ang kaniyang fellow Starstruck Avenger na si Analyn Barro sa mga chismis.

Natatawa namang ikinuwento ni Juancho Trivino na naging bitter siya noong estudyante pa siya nang hindi mapunta sa kaniya ang "Prom King Award." —Jamil Santos/LBG, GMA news