Puro papuri si Sanya Lopez kay Barbie Forteza, na girlfriend ng kaniyang kuya na si Jak Roberto.

Sa Chika Minute report ni Nelson Canlas sa GMA News "24 Oras" nitong Lunes, sinabi ni Sanya na masaya siya para sa dalawa pero iba raw ang closeness nila ni Barbie, na napapanood ngayon bilang si Happylou sa Kapuso series na "Inday Will Always Love You."

Saad pa ni Sanya, hindi sila nawawalan ng "girl talk" ni Barbie at nais niyang magkaroon sila ng time na lumabas na silang dalawa lang.

"Nag-uusap nga kami kung kailan kami puwedeng kami lang dalawa ang mag-date," natatawa niyang sabi.

Hindi naman daw naiingit si Sanya sa kaniyang kapatid na in a relationship na.

Aminado kasi ang aktres na "NBSB" siya "no boyfriend since birth."

Kaya daw sa pelikula na pinagtatambalan nila ni Derrick Monasterio bilang magkasintahan, malaki umano ang naitulong kanilang workshop para magampanan niya ang role.

Bukod sa pelikula, may panibagong hamon din kay Sanya sa kaniyang pagganap bilang na asawa ni Dennis Trillo sa inaabangang Kapuso series na "Cain At Abel."

"Si Margaret Tolentino is meron ngang anak. Du'n ko explore kung paano ba. Kasi never rin naman ako nagkaroon ng experience, like I never had a boyfriend so tingnan natin," saad niya. -- FRJ, GMA News