Sa media conference nitong Miyerkoles, nagkuwento ang Kapuso actress-host LJ Reyes tungkol sa kaniyang pagbubuntis at ang mga pag-iingat na kaniyang ginagawa.

 

 

"Unfortunately, we recently learned na breech pa siya, but it's still early on so we're still hoping na bumaligtad siya," saad ni LJ sa panayam sa kaniya ng GMA reporters sa media conference ng kaniyang Wonder Jane travel kit na ginanap sa Quezon City.

"Breech is when your baby inside your tummy, baligtad 'yung position niya. Dapat kasi head-first talaga, that's the normal. Siya (baby), 'yung legs niya 'yung nasa baba, 'yung buttocks niya," paliwanag ni LJ.

"Tapos low-lying placenta ako, which I learned for the first time na meron palang gano'n. It's a condition na 'yung placenta malapit sa cervix mo, so you're prone to bleeding," patuloy ng aktres.

Kaya naman daw maingat siya ngayon sa kaniyang pagkilos.

"With the condition, medyo scary for us kasi it's not very familiar para sa akin. With Aki, grabe sumasayaw pa ako and all. So we want to take extra caution and be careful talaga. Kasi kung prone ako to bleeding, it's gonna complicate things, like the pregnancy," saad niya.

Inanunsyo ni LJ at ng boyfriend niyang si Paolo Contis nitong Martes na baby girl ang kanilang magiging anak.

Sa video, makikita ang tuwa ni LJ at napatalon pa nang sabay nilang buksan ni Paolo ang piñata at lumabas ang mga kulay pink na confetti, na nangangahulugang baby girl.

"Medyo talagang ingat-ingat ngayon. Napagalitan ako pagkatapos kong tumalon sa video. Ha Ha! Napagalitan ako ni Paolo, ng pamilya ko, sabi sa akin 'Hoy bakit ka tumatalon?!'" kuwento ni LJ.

Sinabi naman ni LJ na maayos ang kalagayan ng baby.

"The baby is going very well, lahat okay naman. Very healthy, nasukat na namin, nag-CAS na kami, which is the Congenital Abnormality Scan, walang problem, wala," pagbahagi pa niya.-- FRJ, GMA News