Sa programang "Tunay Na Buhay," ikinuwento ng aktor at TV host na si KC Montero kung papaano sila nagkakilala ng kaniyang fiancé na Fil-Kiwi beauty queen na si Stephanie Dods. Inihayag din ni KC na plano na nilang magpakasal.

Sabi ni KC sa panayam ni Rhea Santos, tila kilalang-kilala ni Stephanie ang kaniyang ugali kaya naman madali siyang na in-love sa dalaga.

Tungkol sa wedding plan, sinabi ni KC na maaaring mangyari na ito ngayong taon.

"It might be this year kasi we want to have kids already, so we have to be married before that happens," saad niya.

Panoorin ang buong panayam kay KC sa video na ito.

--Jamil Santos/FRJ, GMA News