Kilala bilang isang magaling na TV jockey at host, ngunit hindi ito ang unang pangarap na maging ni KC Montero. Sa programang "Tunay Na Buhay," sinabi ni KC na una niyang hangad ay maging atleta at mataas ang respeto niya sa mga construction worker.

Isinilang at lumaki sa Amerika si KC Montero, o KC Miller sa totoong buhay.  Pinay ang kaniyang ina at German-Irish decent ang ama.

Sa panayam ni Rhea Santos, sinabi ni KC, nakababatang kapatid ni Troy Montero, na wala sa isip niya noon na pasukin ang showbiz.

"Actually when I was growing up, I wanted to be an athlete, a baseball player. And always wanted to work at SeaWorld, kasama 'yung mga Orca whales and dolphins. That's was when I was really small but really, it was an athlete, I wanna be a baseball player," saad niya.

Natatawa pa niyang ikinuwento na "bully" ang kaniyang kuyang si Troy, ngunit nagkasundo rin sila nang magbinata na sila.

Ayon pa kay KC,  nagpunta siya sa binata noong binata na para magbakasyon pero bumalik din siya sa Amerika. Sumunod namang nagpunta sa Pilipinas si Troy na nagmomodelo na noon at sinubukan ang local showbiz.

"Si Troy, kasi talagang model siya, he was modelling in the US, his plan was to come here to try it out. Ako I was not a model, I was just a construction worker, having fun. I was 19, 20 years old. So when he came here and said, 'Yeah I'm gonna live here.' What 20, 21 year old? Sige I'll live in the Philippines also," sabi ni KC.

Ang karanasan niya noon bilang construction worker sa US ang dahilan kaya mataas ang kaniyang respeto sa mga construction worker.

Nang makarating sa Pilipinas, sinubukan na rin niya ang showbiz, at naging kauna-unahang Male MTV VJ ng Pilipinas.

Napanood din siya sa S.O.P. at Party Pilipinas, at dito siya natutong kumanta at sumayaw, na hindi niya dating gumagawa.

Nasubukan din ni KC ang comedy nang mapasama sa sitcom na "Beh Bote Nga."

Naging karelasyon niya si Geneva Cruz at sumali sila sa "Survivor Philippines" bago sila maghiwalay noong 2012.

Panoorin ang naturang panayam kay KC sa video na ito:


-- FRJ, GMA News