Para kay Manong Pol, isang mangangalakal, hindi hadlang ang kahirapan para lang maitaguyod ang kaniyang pamilya.

Ngunit sa programang "Wowowin," ikinuwento ng asawa niyang si Tess na may nararamdamang sakit si Pol, ngunit mas iniisip ng ama ang mga baon para sa anak.

"Kahit may nararamdaman ka sige pa rin. Tapos nadating pa sa halos hindi na po siya makapagsalita pero kami pa rin ang iniintindi niya, 'yung hanapbuhay pa rin niya," ani Tess.

"Kaya ko naman nagagawa 'yon ay talagang, gusto kong gawin 'yon kasi gusto ko talaga buhayin kayo, hindi kayo gutumin," paliwanag ni Manong Pol.

Masaya ding ikinuwento ni Pol ang simpleng buhay ng kaniyang pamilya, lalo na kapag kumakain sila sa mall sa tuwing sinusuwerte siya sa kita. Panoorin.

— Jamil Santos/MDM, GMA News