Maaga nang naghanda ang ilang mga Kapuso stars para bumili ng mga regalo sa kanilang mga pamilya at mahal sa buhay at makaiwas sa Christmas rush.

Bukod dito, naghahanda na rin sila para sa kanilang mga charity project.

Ayon sa Star Bites report ni Cata Tibayan sa GMA News "Balitanghali" nitong Miyerkoles, nauna nang bumili si "Sif" Andrea Torres.

"Gusto ko siyempre 'yung napag-iisipan ko 'yung ibibigay ko sa bawat tao. Ayoko ng minamadali ako kaya ngayon pa lang, talagang naghahanap na rin ako," ani Andrea.

May tradisyon din ang pamilya ni Kapuso star Rocco Nacino na sila ang naghahanda sa kanilang family Christmas get-togethers, at sila rin ang nag-iisip ng mga palaro at pakulo para sa kanilang theme kada taon.

"So 'yung mga palaro, mga exchange gifts sa mga magpinsan. Pagbili ng mga regalo sa mga kaibigan. Mga September ginagawa ko na 'yon. 'Yun na 'yung time na marami nang Christmas parties kaya hinahanda, bina-block ko na 'yung schedules ko," ayon kay Rocco.

Mayroon namang charity projects nina Comedy Queen AiAi delas Alas at Julie Anne San Jose ang kanilang  tuwing magpaPasko.

"'Yung charity works ko, at saka, wala, dito lang kami ng family," sabi ni AiAi.

"I'm gonna ba spending my Christmas with children na tinutulungan ko rin," para naman kay Julie.

Ang tambalang DonEkla naman, mas hectic ngayon ang schedule sa Ber months.

Ani Donita Nose: "Maraming trabaho kasi 'pag December. Maraming nag-i-events 'pag December, maraming nagha-hire sa amin, Christmas party, corporate shows."

Para naman kay Tekla: For me wala pa akong plano ng Christmas kasi peak season sa amin ito eh. So kailangang by January na lang."

Pag-aamin ni Asia's Romantic Balladeer Christian Bautista, espesyal sa kaniya ang paparating na Pasko. "It's gonna be very special kasi it's gonna be my first Christmas as a married man."

Balak naman ni Miss World Philippines 2017 Laura Lehmann na pumunta ng Japan kasama ang kaniyang pamilya sa Pasko.

"I'll start looking at hotels, places to visit, sights to see. Gano'n. Planning for vacation with family."

Tutungo naman si Pambansang Bae Alden Richards sa Amerika kasama ang pamilya. —Jamil Santos/JST, GMA News