Pinahanga ni Mika Gorospe, na kabilang sa mga sumali sa singing contest ng GMA na "The Clash," ang mga nanood sa salpukan ng Golden State Warriors vs. Phoenix Suns nang awitin niya ang pambansang awit ng Amerika sa Oakland, CA.

Sa video na naka-post sa Facebook account ni Mika, madidinig ang hiyawan ng mga tao habang inaawit niya ang national anthem ng USA sa Oracle Arena.

Hindi man pinalad si Mika na manalo sa "The Clash," kasama pa rin siya sa mga "Clasher" na pumirma ng kontrata sa GMA nitong Huwebes para maging opisyal na Kapuso.

Kahit galing sa USA, pinahanga ni Mika ang mga hurado sa "The Clash" dahil sa mahusay na pag-awit niya ng mga OPS song tulad ng "Halik."

-- FRJ, GMA News