Kahit buntis, nag-dance tutorial pa rin si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa mga nagtungo sa "Paskuhan At Kantawanan" show sa Anaheim, California.

Sa video,  makikita ang pagturo ni Marian sa mga Kapuso ng kaniyang sikat na "budots" dance with a twist na kaniyang ginagawa sa "Sunday Pinasaya."

 


 Aliw na aliw ang mga tao nang ituro ni Marian kung papaano magsayaw ng budots habang nagwawalis at nag-aalis ng agiw.

 

 

May pakilig moment din si Marian sa mga Kapuso nang sorpresang awitan siya ng kaniyang mister na si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.

Naghatid naman ng katatawan ang tambalang DonEkla nina Donita Nose at Super Tekla.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Hindi mo ba napanood ang #KapusongPinoyAnaheim2018? Don't worry! Here are some highlight clips! Enjoy!

Isang post na ibinahagi ni GMA Pinoy TV (@gmapinoytv) noong

 

-- FRJ, GMA News