Inihayag ni Kapuso star at fashion icon Heart Evangelista na nakaranas siya ng depresyon matapos ang pagkawala ng kaniyang kambal sa sinapupunan. Alamin kung papaano niya ito nalampasan.

"I really did. It was so bad," pag-amin ni Heart sa ulat ni Cata Tibayan sa GMA News "Balitanghali" nitong Martes.

"But I don't question God. I just feel like everybody has to go through that sadness for you to understand that this is, you know, this is meant to happen and there is something else that you need to do."

PANOORIN: Ano ang mga palatandaan ng depresyon at papaano ito malulunasan

Dahil sa kaniyang pinagdaanan, mas lumakas daw ang pagkapit ni Heart sa Panginoon at sa mga nagmamahal sa kaniya.

"I got strength from the people, the mothers that were messaging me, sobrang dami ang nag-message sa akin na naka-relate, na pinagdaanan [din nila], even worse," anang aktres.

Ngayong nasa recovery stage na, mapapansin ang magandang aura ni Heart, na makikita sa kaniyang mga OOTD sa Instagram.

Nagbigay ng payo ang aktres sa mga nakakaranas ng depresyon.

"It's very important for you to be open and to talk about it, to surround yourself with people. Slowly but surely you just have to understand that this is life, it's not a punishment and it's to make you stronger," saad niya.

Abala rin si Heart ngayon sa pagtulong sa iba't ibang charity works, kabilang ang celebrity bazaar sa Huwebes, kung saan kasama niya si Pambansang Bae Alden Richards.

"This is my purpose as an artist, as a celebrity, hindi lang para magpaganda. It's really to give back and whenever there's a big chance and a big opportunity I go for it," anang aktres. -- Jamil Santos/FRJ, GMA News