Sa huling araw ng paghahain ng certificate of candidacy (COC) ngayong Miyerkules, ilang celebrity pa ang nagsumite ng kaniyang intensyon na tumakbo sa darating na May 2019 midterm elections. Kabilang  dito ang broadcaster na si Jiggy Manicad at aktor na si Bong Revilla na parehong kakandidatong senador.

ALAMIN: Mga celebrity na naghain na ng kanilang COC para kumandidato sa 2019 polls

READ: Lito Lapid, Camille Villar, Mocha Uson, at iba pang celebs na tatakbo rin sa 2019 polls

KILALANIN: Celebrities na tatakbo sa 2019 elections, nadagdagan pa

Kasama ni Manicad, dating news reporter at anchor sa GMA-7, nang maghain ng kaniyang COC ang asawang si Marnie.

 

 

Tatakbo sa ilalim ng Hugpong ng Pagbabago party si Manicad.

Naghain naman ng COC para kay Bong Revilla ang kaniyang asawa na si Lani Mercado para tumakbong muli na senador.

Nakadetine ngayon si Bong kaugnay sa kinakaharap na kasong katiwalaan sa Sandiganbayan dahil sa umano'y maling paggamit ng kaniyang pork barrel funds noong nakaupo pa siyang senador.

Umaasa si Lani, na makalalaya ang kaniyang asawa para makapangampanya.

Sasabak naman bilang kongresista sa Cebu ang aktor na si Richard Yap sa ilalim ng Barug PDP-Laban party.

Naghain din ng COC para muling tumakbong alkalde ng Maynila si dating Pangulong Joseph Estrada. Makakalaban niya sa puwesto ang aktor na si Isko Moreno at dating alkalde ng Maynila na si Fred Lim.

Tatakbo naman bilang konsehal sa Makati ang mang-aawit na si Rico J. Puno, habang konsehal muli ang target sa Paranaque nina Vandolf  Quizon at Jomari Yllana.

Ang komedyante na si Amay Bisaya, tatakbong gobernador sa Bohol.-- FRJ, GMA News