(IMAGE Noel Orsal/Instagram)

Madalas nakakaeksena ni Andrea Torres si Alden Richards sa Victor Magtanggol, ang fantaseryeng ng GMA-7 na pinagbibidahan ng aktor.

Kaya naman inalam kay Andrea bilang katrabaho si Alden?

“Ayun, mabait pa rin,” sagot ni Andrea sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Iisa ang palaging paglalarawan ng cast o nakakasama ni Alden—mabait.

Wala bang pagkakataong nakitaan nila ito na medyo nag-tantrums o nainis o nagpakita ng ibang attitude lalo na't madalas ay pagod?

“Hindi, mabait talaga. Hindi siya nagagalit,” pagpapatunay naman ni Andrea.

“Kaya nga noong nag-uusap kami, sabi niya, paano raw kapag nagkontrabida siya, ano raw kaya ang hitsura niya?

"Sabi ko, parang hindi ko ma-imagine kasi hindi ko pa siya nakikitang beast mode, e."

Kung tutuusin, pareho naman silang single ni Alden at nakikita niya ang mga magagandang katangian nito.

Hindi ba siya naa-attract sa Kapuso actor?

“Friends kaming talaga, e,” mabilis na sagot ni Andrea.

“At saka kaming dalawa yung magkasama noong commercial pa lang, isang telecom commercial.

"Dati pa, nag-i-start pa lang kaming dalawa, palagi naming napag-uusapan yun.

“Nakakatuwa kasi yung mga kasama namin sa commercial na yun, mga artista na rin.”

Isa na raw dito ang Kapamilya star na si Coleen Garcia.

Nakausap ng PEP.ph at iba pang reporters si Andrea sa set visit ng "Victor Magtanggol" sa Sta. Mesa, Manila, noong Miyerkules, October 17.-- For the full story, visit PEP.ph