Sa segment na "TrueLies"  ng programang "Mars," magkukuwento ang mga host at guests ng mga pangyayari at pahuhulaan nila kung totoo ba itong nangyari o hindi.

Ang impersonator na si Tetay, sinabing minsan umano siyang nasampal o natapik nang malakas sa pisngi ng kaniyang idolo at ginagaya na si Kris Aquino nang magkita sila sa isang party two years ago. Totoo kaya o imbento lang ang kaniyang kuwento? Panoorin.


Video courtesy of GMANetwork.com-Entertainment

-- FRJ, GMA News