Ilang buwan mula nang pansamantalang naghiwalay sa ilang proyekto ang tambalang Alden Richards at Maine Mendoza, muling nagsama ang dalawa at kanilang masugid na mga tagasuporta sa isang fan meet kahapon, October 21.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Maraming salamat ADN. ????????

A post shared by Alden Richards?? (@aldenrichards02) on

 

Dito ay naghayag ng pasasalamat sina Maine at Alden sa walang-sawang suporta ng AlDub Nation tatlong taon mula nang unang nagkatrabaho ang dalawa sa "Kalyeserye" segment ng GMA-7 noontime show na Eat Bulaga!

Lalo na't hindi lingid sa kaalaman ng publiko ang mga pagsubok na pinagdaanan ng tambalan nina Maine at Alden nang magdesisyon silang gumawa ng solo projects ngayong 2018.

Pahayag ni Maine, "Hindi pa rin po kayo nawala. Sumusuporta pa rin kayo.

"Gusto ko lang mag-thank you sa lahat ng pagmamahal at ibinibigay niyong suporta sa ginagawa namin—may be together or as individuals. Thank you very much."

Tila emosyunal naman si Alden nang ipaabot ang pasasalamat sa pag-unawa ng fans sa mga gusto nilang i-explore ni Maine sa kanilang showbiz career.

"Salamat po sa pananatili niyo sa tabi namin. Sa pagsuporta po sa proyekto naming dalawa ni Maine.

"Masayang-masaya po kami na nakakagawa kami ngayon ng mga bagong bagay.

"Pero ang mas ikinaliligaya namin kasi nandiyan pa rin kayo."

Hindi pa rin daw nakakalimutan ni Alden kung paanong nagbago ang buhay niya mula nang mabuo ang tambalan nila ni Maine.

Pinangunahan nina Alden at Maine sa fan meet ang pag-anunsiyo sa bagong batch ng scholars ng ADN Scholarship Drive.

Hinikayat ng dalawa ang kanilang fans na ipagpatuloy ang "bayanihan" upang dumami pa ang kabataang scholars na matulungan nilang magkamit ng edukasyon.-- For the full story, visit PEP.ph