Nata-touch si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera na mas pinili ng asawa niyang si Dingdong Dantes na asikasuhin ang pamilya at kaniyang pagbubuntis kaysa pumasok sa politika sa 2019.

 

 

"Actually na-touch ako sa asawa ko na ang priority daw niya ay 'yung pamilya namin, especially buntis ako. Gusto niya palagi akong nandiyan any time na kakailanganin ko siya, so na-touch naman ako na between 'yung gusto niya na mangyari para sa bansa na nandiyan din naman, mas [pinili] niya na, 'kailangan mo ako eh, kailangan nandiyan ako para sa 'yo,'" saad ni Marian sa showbiz press sa isang event ng skin care brand sa Quezon City noong Biyernes.

"Siyempre na-touch naman ako na priority niya 'yung family namin."

Ikinuwento ni Marian na kinonsulta rin siya ni Dingdong tungkol sa posibilidad nitong pumasok sa politika.

"Oo naman, nag-uusap naman kami. Basta kahit anong gawin ng asawa ko, susuportahan ko siya. Ganu’n ko siya kamahal at ganu’n din ako naniniwala sa kakayahan niya," anang aktres.

Tinanong din ng press ang Primetime Queen kung sa tingin niya, tama ba ang naging desisyon ng kaniyang asawa.

"Basta kung ano ang sinabi niya sa Instagram, ‘yun ‘yung napag-usapan naming dalawa."

Nag-post si Dingdong kamakailan sa social media kung saan inihayag niyang hindi siya tatakbo sa anumang posisyon sa darating na 2019 mid-term elections.

Naging maugong ang posibilidad na pasukin ng aktor ang pulitika matapos mapaulat na kasama siya sa ikinukonsidera ng oposisyon na isama sa senatorial line-up sa 2019 elections.

Dagdag pa ng aktor, maipagpapatuloy pa rin naman niya ang kaniyang mga adbokasiya at pagtulong sa kapwa kahit isa siyang pribadong mamamayan.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Since the text couldn’t fit here, just swipe left to appreciate the whole content. Cheers! ????

A post shared by Dingdong Dantes (@dongdantes) on

 

— LA, GMA News