Sa panayam ng programang "Tunay Na Buhay," inamin ni Rita Daniela na tinanggihan niya noon ang kaniyang role na si "Aubrey" sa Kapuso hit series na "My Special Tatay" nang una itong ialok sa kaniya. Alamin kung bakit.

"Kasi first time akong magkakaroon ng anak, first time din akong magiging pokpok. So siyempre po inisip ko, natakot ako kasi paano kung ma-typecast ako? Kasi ganun yung nangyari sa akin nung kontrabida ako. Nahirapan akong umalis sa box na 'yon," paliwanag ng aktres.

Sa serye, prostitute ang role ni Rita na naanakan ng mentally challenge na si "Boyet," na ginagampanan naman ni Ken Chan.

Panoorin ang buong video kung saan ibinahagi rin ni Rita kung bakit minsan na rin niyang naisipan noon na iwan pansamantala ang showbiz.


Click here for more GMA Public Affairs videos:

--FRJ, GMA News