Cancer survivor na si LA Tenorio, ibinahagi ang debosyon kay Padre Pio
MARSO 28, 2024, 10:45 PM GMT+0800
SINULAT NI JAMIL SANTOS,GMA INTEGRATED NEWS
Halos gumuho ang mundo ng PBA star at tinaguriang “El Tinyente” na si LA Tenorio matapos niyang malamang na mayroon siyang Stage 3 colon cancer noong 2023. Sa tulong ng pagpapagamot at debosyon niya kay Padre Pio, gumaling siya.