Sinabi ni Kapuso star Solenn Heussaff na handa na silang magkaanak ng asawa niyang si Nico Bolzico pero hinihintay lang nila ang tamang panahon.

Sa media conference ng pinakabagong Kapuso action-drama series na "Cain At Abel" kamakailan, inihayag ni Solenn na tamang panahon lang ang kanilang hinihintay dahil abala pa sila sa kani-kanilang trabaho.

 

 


Sinabi pa ng aktres na may ginagamit siyang application para malaman kung kailan siya fertile.

"It’s called My Calendar. It’s like a period chart. Parang may mga, 'pag ovulation, bawal, ganu’n," kuwento ni Solenn sa showbiz reporters.

“But ready na ako for the last three years, ready din si Nico. But, I mean, we’re ready anytime now," paglilinaw naman ng aktres.

Nagkataon lang talaga na abala si Solenn ngayon sa "Cain At Abel," samantalang inaasikaso naman ni Nico ang kanilang business.

"I'm still using it (application). Kasi siyempre kahit gusto mo, you can really get pregnant like three days in a month. So you need to know what days those are," saad niya.

At kung mabuntis naman, sinabi ni Solenn na okey lang kung mataba siya.

"Okay lang. For me, I live a healthy life. I mean imagine 'yung feeling na you're carrying a human being, only women have the power to do that," paliwanag niya.-- FRJ, GMA News