Marami ang humanga sa magandang hubog ng katawan ng Kapuso young actress na si Bianca Umali nang mag-post siya sa kaniyang Instagram account ng larawan niya habang nasa beach.  Sa contract signing niya sa GMA Records, natanong ang aktres kung handa na ba siyang mag-pose sa men's magazine.

"No." Kaagad na sagot ni Bianca. 

"Hindi ko alam kung in the future, hindi ko alam. Pero sa ngayon, not that I'm not ready for it or not that I'm closing my doors, pero wala pa siya sa plano ko ngayon," saad ng aktres nang makapanayam ng GMA News Online.

Patuloy pa niya, "Wala naman akong pinoprotektahan, but personal decision."

Makikita ang sexy figure ngayon ni Bianca lalo sa kaniyang beach trip kasama ang mga kaibigan kamakailan.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

? ????

A post shared by Bianca Umali (@bianxa) on

 

Itinanggi rin ni Bianca na nagparetoke siya para makamit ang kaniyang sexy body.

Singing career

Sa pagpirma niya ng kontrata sa GMA Records, umaasa si Bianca na matutupad na rin ang pangarap niyang makakanta nang "live" sa TV.

 


 

 

"Hindi ko rin in-expect pero now that I am with GMA Records, sobrang saya ko po kasi honestly pangarap ko po talaga ito. It was one of my dreams to, kahit magkaroon lang ng isang single or kahit makakanta lang nang live," saad ni Bianca sa GMA reporters.

"I don't know if na-notice ng iba pero never pa akong nakakanta nang live on TV. Lagi lang kapag sa mall shows, ganiyan. Pero now that I am with GMA Records matutupad na. Kumbaga it's another milestone for me," dagdag niya.

Hindi pa idinetalye kung anong klaseng kanta ang gagawin ni Bianca na sorpresa raw sa kaniyang fans.

"Sobrang gusto kong i-spoil pero hindi pa puwede kasi, kahit sa akin, sobrang, till now surprised pa rin ako sa lahat ng mga nangyayari but siguro mabait si Lord sa akin and I think I can promise sa fans ko na it would be an amazing 2019," sabi ni Bianca.

Tinanong din siya kung anong genre ito.

"Sorry secret pa pero I will be recording na very, very soon. Hindi ko lang po puwede i-spoil kung ano. Pero as soon as possible, ire-release namin," saad niya.-- FRJ, GMA News