Inihayag ni Ashley Ortega na single pa rin siya at na-e-enjoy niya ngayon ang kaniyang buhay.

"My heart is so full, and I'm happy. But, I'm still single. I'm still single. But, I'm enjoying my single era," sabi ni Ashley sa podcast na Update with Nelson Canlas.

Marso noong nakaraang taon nang sabihin ng aktres na hindi na bahagi ng kaniyang buhay si  Lucena City Mayor Mark Alcala.

Ayon kay Ashley, nagsimulang lumabo ang relasyon nila ng alkalde nang maging abala sila sa kani-kanilang mga trabaho.

Ngayon, sinabi ng aktres na ini-enjoy niya ang pagiging single at pagbiyahe.

"Feeling ko hindi ko rin muna makikita ang sarili ko in a relationship with someone," saad niya. "It was a tough year for me. Maraming iyak-iyak. Pangit din kasi na parang magpi-pretend ako na ayaw ko 'tong maramdaman. I will allow myself to feel [heartbreak] para ma-released ko 'to."

Sabi pa ng aktres, "I think doon din ako nag-heal parang oh my gosh I don't need a guy in my life. I'm happy. I'm at peace and I'm really blessed."

Nang tanungin kung handa na ba siyang pumasok muli sa relasyon, aminado ang aktres na hindi pa sa ngayon dahil sa dami ng trabaho.

Kabilang sa mga proyekto ni Ashley na gagawin ay ang upcoming series na Pulang Araw, na kasama sina Alden Richards, Dennis Trillo, Barbie Forteza, Sanya Lopez at David Licauco.

Pero nilinaw ng aktres na hindi naman niya lubusang isinasara ang pinto ng kaniyang puso.

"Of course, I'm not closing my doors, kapag may dumating na taong feeling ko may potential. I will, ano naman embrace it. Pero, sa ngayon kasi parang hindi, e," paliwanag niya.

Sinabi rin ng aktres na nakikipag-date kung minsan para makakilala ng mga bagong kaibigan lalo na kapag nalulungkot siya.

"I do go out and hang out with guys, to get to know them, pero hanggang doon lang. I always tell them also na, 'Ano lang, ha, this is like a casual hangout.' I just really wanna explore and get to know a lot of people," paliwanag niya.-- FRJ, GMA Integrated News