Ikinuwento ni Darren Espanto sa "Fast Talk with Boy Abunday" nitong Lunes ang ginawa niyang pag-text kay Cassy Legaspi matapos ang cryptic posts ng aktres.

Ayon kay Darren, may ibang tao na iba ang naging pananaw nang ihayag nila ni Cassy na mag-best friend lang sila.

"People kind of misunderstood the whole situation," anang singer.

"After that interview, there were some IG stories from Tita Carmina (Villarroel) and Cass and they kind of stitched it together," patuloy ni Darren.

Binanggit ni Tito Boy ang ilang "cryptic posts" mula sa  mag-ina: "Hurt people hurt people," na bahagi ng lyrics ng kantang "Perfect Crime" ni Olivia Rodrigo.

Ayon kay Darren, alam niya na mahilig mag-post ng motivational quotes at bible verses sa Instagram Stories ang ina ni Cassy na si Carmina na tinatawag niyang tita.

Samantala, madalas naman daw na mag-post si Cassy ng lyrics mula sa paborito nitong awitin.

"That's something I clarified with her. [I told her], 'If you're mad at me, if I did anything wrong, please tell me," ani Darren, at sinabi naman umano na Cassy na, "she doesn't have any ill feelings together me — she and her family."

"Ganun naman po kami. We would never try to beat around the bush," sabi pa ni Darren.

Sabi pa ni Darren, hindi sila nag-away ni Cassy, at mas naging mas malapit pa sila sa isa't isa noong panahon ng pandemic.

Bagaman sinabi ng mang-aawit na best friends pa rin sila ni Cassy, tumanggi na siya na magbigay pa ng ibang detalye.

Maraming beses na nakita sa kanilang social media posts ang closeness nina Darren at Cassy. Pero marami ang nabigla nang sabihin ni Darren sa premiere ng "It's Showtime" sa GMA-7 kamakailan na wala siyang girlfriend.

Kaagad din nilinaw ni Cassy na mag-best friend lang sila ni Darren kahit nakita pa silang magkasama sa GMA Gala at ABS-CBN Ball.— FRJ, GMA Integrated News