Nilinaw ni Cassy Legaspi sa Instagram Stories kung ano ang tunay niyang Facebook account.

Ayon sa Kapuso actress, na-hack ang dati niyang Cassy Legaspi Facebook page na may 13 million likes at 21 million followers.

"It used to be mine until I was hacked in 2021," sabi ni Cassy sa post. Hinilinaw niya sa kaniyang followersa na i-report ang naturang account sa FB.

Sa kaniyang Stories post, sinabi ni Cassy na gumawa siya ng bagong Facebook page na mayroon ngayon na 23K likes at 52K followers.

 

 

"Since my original Facebook page was hacked, had to make a new Facebook page," sabi ni Cassy na nakalagay ang link. — FRJ, GMA Integrated News