Kinumpirma ni Jayda Avanzado na nagkaroon sila noon ng mutual understanding nina Darren Espanto.

Sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Miyerkoles, inalala ni Tito Boy ang isang pahayag noon ni Darren na si Jayda ang isa sa mga pinakamagagaling na singer sa henerasyon ngayon.

“I was very flattered by that comment. It was nice of Darren,” nakangiting sabi ni Jayda.

Dito, tinanong ng King of Talk kung nagkaroon sila ng relasyon.

“Totoo po ‘yon na there was something romantic between me and him at one point nu’ng mga bata po kami,” saad ng anak nina Jessa Zaragoza at Dingdong Avanzado.

“It’s something that I actually look fondly back on,” dagdag niya. “It was mutual understanding po, Tito Boy.”

Inusisa ni Tito Boy kung ano ang pakahulugan dito ni Jayda.

"It was just mutual and we were vocal sa aming dalawa, we were vocal of that. We were special to each other at one point,” paliwanag ng singer.

Nilinaw din ni Jayda ang tungkol sa mutual understanding nila ni Darren.

"Depende po kasi sa boundaries that you set, pero siguro po with how young we were, I think it was just something na we enjoyed in the moment po," paliwanag niya.

Sa debut ng "It’s Showtime" sa Kapuso Network, sinabi ni Darren na wala siyang girlfriend sa ngayon.

Una na siyang na-link kay Cassy Legaspi, ngunit pareho nilang nilinaw na magkaibigan lamang sila.--FRJ, GMA Integrated News