Nagbigay ng maikling pahayag si Dominic Roque ilang buwan matapos matapos ang hiwalayan nila ng ex- fiancé na si Bea Alonzo.

“Okay naman. Still doing fine. ‘Yung mga ginagawa ko, the usual, work and travel also,” tugon ni Dominic sa Chika Minute report ni Lhar Santiago sa 24 Oras nang kumustahin matapos ang hiwalayan nila ng Kapuso star.

Nakita ng GMA Integrated News si Dominic sa launching ng isang wellness app.

Sa kasalukuyan, abala si Dominic sa paggawa ng content para sa social media at kaniyang negosyo.

“I’ve been doing contents for myself, for my social media, mostly motorcycle and lifestyle, travel, food,” sabi ni Dominic.

Bukod dito, hindi niya rin nalilimutang maglaan ng oras para sa sarili.

Kinumpirma nina Bea at Dominic ang kanilang hiwalayan noong nakaraang Pebrero.

Nagsimulang mag-date sina Bea at Dominic Enero noong 2021. Kinumpirma ni Bea ang kanilang relasyon Agosto noong taon ding iyon.

Na-engaged ang dalawa Hulyo ng 2023 at pinaplano sanang ikasal ngayong taon. — Jamil Santos/RSJ, GMA Integrated News