Sugatan ang dalawang sakay ng karo ng patay matapos itong bumangga sa 12-wheeler truck Martes ng madaling araw sa Quezon Avenue, Quezon city.

Naging pahirapan ang pagtanggal sa isang lalaking sugatan matapos maipit ang kanyang paa sa kabaong. Kinailangang gumamit ang mga rescuer ng spreader and cutter.

Samantala, ang labi ng isang lalaki na ihahatid na sana sa burol, lumusot ang ulo sa windshield ng karo sa lakas ng pagkakabangga.

Nasira rin ang kabaong. — BAP, GMA News