Nagbabala ang Department of Labor and Employment kaugnay sa umano'y modus sa pag-withdraw ng escrow deposits ng mga recruitment agency gamit ang pekeng sertipikasyon na pinapalabas na galing sa kagawaran at sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA).

“We are informing the public that a falsified 'Certification of No Pending Appealed POEA case' allegedly issued by the Department of Labor and Employment Legal Service has been circulating and is being used by unknown individuals in withdrawing escrow deposits of certain recruitment agencies. We advise the public to be more prudent and cautious in dealing with persons or entities involved in this reported fraudulent activity,” saad ni Bello sa isang pahayag nitong Biyernes.

Nakatanggap din umano ng sulat ang DOLE mula sa overseas recruitment agencies na nagtatanong tungkol sa kung totoo ang sertipikasyon na inilabas umano ng DOLE Legal Service na ginamit din para makapag-withdraw ng escrow deposit.

Sa imbestigasyon, natuklasan umano na peke rin rin ang dokomento at walang inilalabas ang DOLE Legal Service ang ahensiya. Lumitaw din na hindi na konektado sa ahensiya ang nakapirma sa sinasabing dokumento.

Ang escrow account ay hinihingi ng POEA sa mga recruitment agency bilang paghahanda sakaling magkaroon ng pananagutan sa hinaharap ang kompanya sa mga overseas contract worker kung may lalabagin sila sa kontrata.

Ang pagpapalabas ng escrow na nakadeposito sa POEA-accredited bank ay iniuutos ng POEA o ng National Labor Relations Commission (NLRC).

Samantalang kasama naman sa rekisitos ang DOLE-issued certification na “no pending POEA case on appeal” para makapag-withdraw ng escrow deposits ang recruitment agency.

Kapag may nabiktima o may impormasyon tungkol sa umano'y modus, hinikayat ni Bello ang publiko na makipag-ugnayan sa kanila sa telepone bilang 527-3000 local 610. -- FRJ, GMA News