Pinay na tinangka umanong lasunin ang mister na Kano sa Arizona, kulong sa Amerika
ABRIL 10, 2024, 3:48 PM GMT+0800
SINULAT NI GMA INTEGRATED NEWS
Hinatulang ng korte sa Arizona, USA, ang isang Pinay dahil sa pagtatangka umano nitong patayin ang kaniyang mister na Amerikano sa pamamagitan ng paglason. Nabisto siyang nilalagyan ng bleach ang kape ng mister.