Nangangailangan ng mga karagdagang highly skilled workers na Pilipino ang bansang Romania.

Sa ulat ng GMA News "Saksi" nitong Martes, sinabing kabilang sa mga kailangan ng Romania ang mga truck driver, IT specialists at mga caregiver.

Ayon sa Romanian ambassador to the Philippines, ligtas na lugar ang kanilang bansa kahit malapit ito sa Ukraine, na inaatake pa rin ng Russia.

“Filipinos in Romania have adapted very well, and they are happy. Their disposable income is higher than that of other European countries because the cost of living is much lower. We look forward to welcoming more Filipino workers to respond to the high demand for labor in Romania,” sabi ni Ambasador Raduta Dana Matache sa isang pahayag.

Nakikipag-ugnayan ang Department of Migrant Workers (DMW) sa pamahalaan ng Romania para sa gagawing recruitment.

Sa ngayon, mayroong 2,000 Pinoy na nagtatrabaho sa Romania. — FRJ, GMA Integrated News