Ma-swerteng nakaligtas ang limang sakay ng isang SUV matapos itong mabagsakan ng malaking tipak ng bato sa Camp 3, Kennon Road, 11:00 ng umaga kanina.

Galing Baguio City at pabalik na sana sa Batangas ang Toyota Fortuner na minamaneho ni PO2 Jefferson B. Cadap nang mangyari ang aksidente. Dalawang matanda at tatlong bata ang sakay nito, ayon sa mga rumespondeng rescuers.

Ayon kay Police Chief Inspector James Acod, hepe ng Municipal Police Station sa Benguet sa ulat ng Super Radyo DZBB 594khz, tatlo sa mga pasahero ang sugatan.

Wasak na wasak ang SUV.

Photo courtesy of Manuel Manansala
Photo courtesy of Manuel Manansala

 

Photo courtesy of Manuel Manansala
Photo courtesy of Manuel Manansala

 

Photo courtesy of Youscooper Nomar Alberto Simeon
Photo courtesy of Youscooper Nomar Alberto Simeon

Gumuho ang malaking tipak ng bato dahil sa matinding buhos ng ulan na naranasan sa lugar nitong mga nakalipas na oras.

Nagdulot rin ng mabigat na daloy ng trapiko ang pangyayari.

Ayon kay Chief Inspector Carolina Lacuata ng Public Information Office ng Police Regional Office-Cordillera, binuksan na muli sa mga motorista ang Kennon Road. — BM, GMA News