Tila normal lang ang pagbiyahe ng isang puting kotse sa Cavite, nang biglang umapoy ang likurang bahagi nito.

Sa ulat ni Marisol Abdurahman sa Balitanghali ngayong Miyerkoles, todo-busina na ang sasakyang kumukuha ng video.

Pagkagilid ng puting kotse, lumiyab na ito ng tuluyan.

Agad namang nakababa sa kotse ang driver at naapula rin ang apoy.

Iniimbestigahan na ng pulisya ang insidente. —JST, GMA News