Patong-patong na reklamo ang kinakaharap ni Ricardo Gancia na naaresto sa Imus, Cavite.

Nag-ugat ang mga reklamo sa ilang ulit umanong panghahalay ng suspek sa 14-taong gulang na anak ng kaniyang inaanak sa Cabatuan, Iloilo, ayon sa ulat ni Bam Alegre sa Balitanghali.

Nobyembre noong nakaraang taong nang una umanong halayin ng suspek ang biktima. Nahuli pa umano sa akto ng isang kapatid ng biktima ang suspek.

Nang sampahan ng reklamo, nagtago na umano ang suspek.

Madiin naman ang tanggi ng suspek sa krimen.

"Hindi ko ginawa 'yun sir," aniya.

Marami raw dahilan ng kaniyang pag-alis ng Iloilo, tulad na lang ng pag-aligid ng mga armadong tauhan sa kaniyang bahay. —JST, GMA News