Patay ang isang mag-asawa sa Casiguran, Sorsogon matapos silang pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang salarin habang kumakain sa kanilang bahay.

Sa ulat ng GMA News TV "Balita Pilipinas" nitong Biyernes, kinilala ang mag-asawang biktima na sina Regal at Zelanie Jarlego.

Sa imbestigasyon ng pulisya, sinabing kumakain ang mag-asawa kasama ang kanilang isang-taong-gulang na anak nang pagbabarilin ng dalawang lalaki.

Kaagad na nasawi si Regal habang sa ospital na binawian ng buhay si Zelanie.

Hindi naman nasaktan ang kanilang anak.

Inaalam na ng pulisya ang pagkakakilanlan ng mga salarin at ang motibo sa krimen.-- FRJ, GMA News