Apat na umano'y drug suspects ang napatay sa magkahiwalay na anti-drug operations ng mga pulis sa lalawigan ng Cebu.

Sa ulat ni Randy Gorion ng RGMA-Cebu sa Dobol B sa News TV nitong Miyerkoles ng umaga, sinabing nanlaban umano ang mga suspek sa mga pulis kaya sila napatay.

Tatlo umano ang napatay ay sa Talisay City, habang isa naman ang nasawi sa drug bust sa Mandaue City.

Ayon sa ulat, nagkasa umano ang mga tauhan ng Region 7 Police Office ng "One Time, Big Time" operation na nagresulta sa pagkasawi ng apat na suspek. —LBG, GMA News