Isang guro ang nasawi at isa pa ang nasugatan  dahil sa naganap na "rockslide" sa Bontoc, Mountain Province nitong Miyerkoles ng umaga. Ang mga biktima sakay ng van nang mabagsakan ng malaking bato.



Sa ulat ng GMA News  TV "QRT" nitong Miyerkoles ng hapon, sinabing halos kahati ng van ang laki ng bato na bumagsak sa sasakyan na dulot umano ng masamang panahon.

Papasok na umano ang mga guro sa kanilang paaralan nang mangyari ang insidente sa Sitio Pinap-ayew, Barangay Guina-ang. -- FRJ, GMA News