Isang tricycle driver ang nasawi at tatlong iba pa ang nasaktan nang matumba ang malaking puno ng mangga  kung saan sila nakaparada sa San Pedro City, Laguna.

Sa ulat ng GMA News "Balita Pilipinas" nitong Martes, sinabing nakaparada at naghihintay ng pasahero sa ilalim ng puno ang nasawing biktima na si Garner Arado, kasama ang tatlo pang tricycle driver nang mangyari ang aksidente sa Barangay Langgam.

Naging pahirapan umano ang pagputol sa mga sanga ng puno na nabuwal matapos hampasin ng malakas na hangin.

Naisugod pa si Arado sa ospital pero binawian din ng buhay. Nnnasugatan naman ang tatlo niyang kasama.-- FRJ, GMA News