Ginahasa ng isang tatay sa General Santos City ang kaniyang 8-anyos na anak nang dahil umano sa kalasingan.

Sa ulat ni GMA News stringer Garry Balantay sa Unang Balita, sinabi umano ng tatay na hindi niya sinadya at dala lamang umano sa sobrang kalasingan.

"Patawarin nyo ako. Hindi ko naman ano yun. 'Di ko sinadya. Wala naman akong gawin 'yun kasi mahal ko ang mga anak ko, eh. Kay ko lang nagawa dahil sa kalasingan ko," pahayag ng suspek.

Ayon sa ulat, nahulihan din ng isang pakete ng hinihinalang shabu ang suspek, na ngayon ay nahaharap sa kasong rape at paglabag sa Dangerous Drugs Act. —LBG, GMA News