Aabot sa P1 million halaga ng iligal na droga ang nasabat ng mga awtoridad sa Albay, ayon sa ulat ni Mariz Umali nitong Sabado sa "Balitanghali."

Batay sa impormasyon na nakuha ng mga lokal na awtoridad, iba-biyahe sana ang iligal na droga sa islang-bayan ng Rapu-Rapu.

Mula sa dalawang suspek na arestado sa operasyon, nakuha ang mga plastic sachet ng hinihinalang shabu na may timbang na 130 grams at ilang mga drug paraphernalia.

Aminado raw ang suspek ana may dala silang driga pero iginiit nilang hindi ito umano ganoon karami.

Nahaharap ang dalawang suspek sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act. —Margaret Claire Layug/LBG, GMA News