Patay ang dalawang pulis na hinihinalang sangkot sa ilegal na droga matapos maka-engkwentro ang mga awtoridad sa Zamboanga City nitong Sabado ng hapon.

Sa ulat ni Mark Makalalad sa Super Radyo dzBB, nakilala ang mga nasawi bilang sina Police Officer 3 Olaso at si Police Officer 2 Bernardo.

Batay sa inisyal na impormasyon mula kay Zamboanga provincial director Senior Superintendent Alan Nazaro, nangyari ang raid sa Barangay Ayala dakong 2:25 ng hapon.  —Margaret Claire Layug/LBG, GMA News