Isang jeep ang sumalpok sa kasalubong na sasakyan matapos nitong mag-counterflow sa Aguinaldo Highway sa Dasmariñas, Cavite nitong Lunes.

Sa ulat ni Ian Cruz sa 24 Oras, mapapansing nag-counterflow ang isang jeep dahil mabigat ang daloy ng trapiko sa kaniyang linya. Hindi nito alintana ang concrete barrier sa nasabing daan.

Ayon sa nag-post ng dashcam video sa social media, hindi na raw nakaiwas ang kapatid niya na nagmamaneho ng nabanggang sasakyan dahil may kotse sa kanan nito: "My sister did not have the chance to evade because there was a vehicle on the right side."

Bago raw sila nabangga, may binangga na rin daw ang jeep na isang pulang kotse.

Nahuli naman ang driver ng jeep at ang operator nito ang sumagot sa lahat ng pinsalang idinulot ng driver.  — Anna Felicia Bajo/BAP, GMA News