Isang 65-anyos na ginang ang nasawi matapos makagat ng daga sa Laoag City, Ilocos Norte, ayon sa ulat sa News To Go nitong Miyerkoles.

Ayon sa ulat, inakala ni Conchita Dacanay na simpleng lagnat lang ang naramdaman niya isang linggo matapos siyang makagat ng daga noong Setyembre 1.

Dahil sa pag-aakalang simpleng lagnat lang ang kanyang nararamdaman, nag-self medicate umano si Conchita.

Binawian ng buhay si Conchita noong Setyembre 13, isang araw matapos siyang isugod sa ospital.

Ayon sa medical certificate ni Conchita, namatay siya dahil sa pneumonia at posibleng tetanus. —Jamil Santos/KBK, GMA News