Patuloy na imbestigasyon ng Las Piñas Police ang tungkol sa bangkay na natagpuan sa isang nakaparadang abandonadong sasakyan noong pang gabi ng Martes.

Inereport umano ng mga residente sa mga police dakong alas-otso ng gabi ang tungkol sa isang SUV na namataang may bangkay ng isang lalaki sa loob.

Ayon sa ulat ng "Unang Balita," ipinarada ang SUV sa Vatican Drive, BF Resort Village, Barangay Talon II.

Sa paunang imbestigasyon ng mga pulis, nasa passenger seat ang bangkay at may tama ito ng bala sa ulo.

Nakita naman sa loob ng sasakayan ang isang slug ng kalibre .45 na baril. Wala umanong nakitang tama ng bala ang sasakayan.

Pahayag ng isang saksi na kinilalang si Leonardo Ontoy, nakita niya ang abandonadong sasakyan sa lugar umaga pa lamang.

Pero hindi niya pinansin. Nang gumabi na, saka pa lamang niya ipinagbigay-alam sa mga awtoridad ang tungkol sa SUV.

Inalis na ng mga pulis ang anggulong robbery dahil intact ang kagamitan ng biktima, kabilang ang cellphone at relo nito.

May nakuha ring isang sachet ng hinihinalang shabu sa loob ng sasakyan.

Murder ang tinitingnang anggulo ng mga pulis dahil sa likod ang tama ng biktma.

Posible umanong isa o mahigit pa ang mga suspek sa krimen.

Dumating ang mga kamag-anak ng biktima sa presinto madaling-araw na nitong Miyerkoles.

Tumanggi ang mga ito na humarap sa kamera, at nakiusap sa mga pulis na huwag isiwalat ang pagkakakilanlan ng biktima. —LBG, GMA News