Arestado ang isang 35-anyos na lalaki matapos siyang ireklamo ng kaniyang kasintahang 15-anyos ng pang-aabuso at pamimilit na makipagtalik sa Marilao, Bulacan.

Sa ulat ni Victoria Tulad sa GMA News "Balitanghali" nitong Miyerkoles, kinilala ang suspek na si Joel Borromeo.

Sinabing nakilala lamang ni Borromeo ang dalagita sa text.

Ngunit giit ng suspek, kusang sumama sa kaniya ang dalagita at pinilit pa nito na magkita sila.

Nahaharap ang suspek sa reklamong child abuse. —Jamil Santos/JST, GMA News