Patay ang tatlong drug suspects sa Talisay City, Cebu nang manlaban umano sa mga pulis sa isang buy-bust operation, madaling-araw nitong Miyerkoles.
Sa ulat ni RGMA-Cebu Gabriel Bonjoc sa Dobol B sa News TV, sinabing nangyari ang engkuwentro nang matunugan ng mga suspek na pulis ang kanilang katransaksyon.
3 suspek, patay matapos manlaban sa buy-bust operation sa Talisay City, Cebu. | via Gabriel Bonjoc, Super Radyo Cebu pic.twitter.com/j0q6usZxEt
— DZBB Super Radyo (@dzbb) October 17, 2018
Una umanong nagpaputok ang tatlong suspek kaya napilitang gumanti ang mga awtoridad kaya napatay ang mga ito.
Narekober mula sa mga suspek ang dalawang kalibre .38 na revolver at isang kalibre .45 na baril.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis, sangkot din umano ang mga suspek sa robbery, gun-for-hire at droga. —LBG, GMA news