Idineklarang dead on arrival sa health center ang dalawang 2-anyos na kambal sa Negros Occidental matapos mahulog sa balon ang mga ito.

Sa ulat ng "Unang Balita" nitong Biyernes, kinilala ang kambal na sina Kara at Sarah ng Vitorias City.

Ayon sa mga pulis, nakatulog ang lola na nagbabantay sa kambal kaya hindi nito napansing nakarating na pala kambal sa balon.

Samantala, isa ibang barangay naman, nalunod sa ilog ang isang bata na kinlalang si Jay. 

Hindi na umabot ng buhay sa health center ang biktima.

Iniimbestigahan nga ng mga pulis ang sanhin ng pagkalunod ng bata. —Jamil Santos/LBG, GMA News