Patay ang isang lalaki sa Batangas nang barilin habang natutulog sa kaniyang bahay.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Biyernes ng umaga, kagagaling lamang umano sa inuman ng biktima at natutulog na nang barilin sa ulo sa kaniyang bahay sa bayan ng Lipa.

Nadala pa umano sa ospital ang biktimang si kinilalang si Luis Gonzales. Ngunit hindi na ito umabot na buhay dahil sa tama ng bala sa ulo.

Nakunan pa ng CCTV ang pinaniniwalaang salarin na papunta sa bahay ng biktima ilang oras bago ang krimen.

Iniimbestigahan pa kung sino ang suspek at kung ang motibo nito.  —Jamil Santos/LBG, GMA News