Tinupok ng apoy ang walong classrooms sa isang paaralan sa Lanao del Norte.

Iniulat ng "Unang Balita" nitong Biyernes ng umaga na kabilang sa mga nasunog ang ang library at opisina ng paaralan sa bayan ng Kitcharao.

Kasama rin umanong nasunog ang mga computer, libro, mga dokumento, at record ng mga grado ng mga mag-aaral.

Naiwang nakasaksak na appliance ang pinaniniwalaang sanhi ng sunog.

"May isang wall fan sir, nakalimutang e-unplug sir, so pumutok sir nag-overheat, doon nagsimula ang apoy," pahayag ni Fire Officer 3 Efren Cascara, Jr., OIC-BFP ng bayan ng Kitcharao. 

Tinatayang mahigit P1 milyon ang halaga ng mga nasunog na gamit.

Pag-uusapan pa ng pamunuan ng paaralan kung ano ang gagawin dahil apektado sa insidente ang mahigit limang daang mag-aaral. —LBG, GMA News