Patay ang isang 66-anyos na mangingisda sa Ragay, Camarines Sur matapos itong tamaan ng kidlat habang sakay ng kanyang bangkang pangisda sa karagatang sakop ng Barangay San Rafael dakong 9:30 ng umaga nitong Lunes.

Kinilala ang biktima na si Oldarico Misa.

Ayon sa Ragay Pulis, nakita na lang ang mangingisda na wala nang buhay at sunog na sunog ang katawan sa kanyang bangka.

Posibleng ilang oras na raw itong natamaan ng kidlat bago pa nakita.

Matapos masuri ng municipal health officer ang bangkay ay agad na itong dinala na sa kanilang tahanan. —KG, GMA News