Patay ang isang negosyante matapos siyang barilin nang malapitan ng salaring nakamotorsiklo sa kaniyang gasolinahan sa Cabanatuan, Nueva Ecija.

Sa ulat ng GMA News "24 Oras" nitong Lunes, makikita sa kuha ng CCTV ang biktimang si Romeo Yuson habang nakaupo sa labas at may hawak na diyaryo.

Hindi nagtagal, dumating ang salarin na sakay ng motorsiklo at tumigil sa kaniyang harapan at saka siya malapitang binaril sa ulo at iba pang parte ng katawan.

Nabulabog ang ibang nagpapakarga ng gasolina at mabilis na tumakas ang salarin .
Hindi na umabot nang buhay sa ospital ang biktima.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa nangyaring krimen.-- FRJ, GMA News