Isang bangkay ng babae ang natagpuan ng mga residente na itinapon sa isang ilog sa bayan ng Tiagong sa Lalawigan ng Quezon nitong Huwebes ng umaga.

Nagsasagawa na ng pagsisiyasat ang SOCO Quezon sa lugar kung saan natagpuan ang bangkay.

 

Photo courtesy by JP Arazo
Photo courtesy by JP Arazo
Nakita ang bangkay ng mga residenteng nagdaraan sa ilog sa Barangay Lumingon pasado ala-siete nitong umaga. Nakabalot ng packaging tape ng mukha ng babae.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Tiaong Municipal Police Station. Wala pang pagkakakilanlan ang babae na tinatayang nasa edad 35 hanggang 40-anyos. —Peewee Bacuño/LBG, GMA News