Patay ang isang buntis na guro matapos tabunan umano ng unan sa mukha ng sariling mister habang natutulog nitong Martes ng madaling araw sa Dumaguete City, ayon sa ulat ni Jonathan Andal sa Dobol B sa News TV.
FLASH: Teacher sa Dumaguete City na 7-buwan umanong buntis, patay nang takpan nang unan sa mukha ng sariling mister habang natutulog; selos, isa sa sinisilip na motibo sa krimen. | via @JonathanAndal_
— DZBB Super Radyo (@dzbb) November 27, 2018
????: Dumaguete City police pic.twitter.com/FsmbZ26Pdm
Kinilala ang pitong buwang buntis na biktima na si Virginia Montesor, 31-anyos na public school teacher, habang ang suspek na mister naman ay kinilalang si Ronald Montesor, 29-anyos.
Ayon kay Superintendent Jonathan Pineda, hepe ng Dumaguete City Police, nangyari ang insidente kaninang 5:45 ng umaga sa Barangay Taclobo.
Selos ang sinisilip na motibo sa krimen, ayon kay Pineda. — Joviland Rita/RSJ, GMA News